Monday, August 30, 2010

"..without words by park shin hye...tagalog version..."

"Bigla"



Dapat umiwas na ko...
Mata ay inilayo...
Kunwari'y bulag ako...
sana'y pumikit lang ako...
sana... Di na ko tumingin sa 'yo
Dapat tumakbo na ko...
Tenga ay inilayo...
kunwari'y bingi ako...
Sana'y tinakpa'ng tenga ko
Sana... 'di narinig pag-ibig mo
Bigla-biglang Pagibig ay tinuro...
Bigla-biglang ito'y inalay mo...
Hinayaan mo ako... na madama ito...
ngunit bigla kang tumakbo...
Bigla-biglang pagibig ay lumayo...
Bigla-biglang ako'y tinapon mo...
Ginulat mo ako... Mga labi...
Ngayo'y wala nang masabi... Binigla mo ako 
Bakit ang hapdi nito...
kirot ay walang hinto...
Nangungulila sa 'yo...
dahil wala ka na dito...
sana... ang dati ay ibalik mo

Bigla-biglang ang luha ay tumulo...
Bigla-biglang nalugmok ang puso...
---
Bigla-biglang Pag ibig inantay ko...
Bigla-biglang ako'y sinaktan mo...
Ako'y isang tanga na umaasa...
na sa ulap mahanap ka
Bigla-biglang Paalam na sa iyo...
Bigla-biglang hanggana'y nandito...
Puso ko'y nabigla... Nagwawala...
hindi ito nakahanda...
Binigla mo ako
Biglang-biglang nandito...
Biglang biglang naglaho...
Para lang bang trangkaso... Na dapat na tiisin ko
Ngunit... may pilat na iiwan to

No comments:

Post a Comment